Skip to content

8 ways to start as SEO

8 ways to start as SEO by SMO SEO Consultant

Ang SEO or search engine optimization ay lalong lumalaki sa Pilipinas. Maraming IT graduates, o enthusiasts or kahit na wala sa IT ay gustong matuto ng SEO. Ang SEO ay malaking tulong sa mga business para makilala ito lalo. Pag type mo sa Google ng hinahanap mo, gusto mo na yung website mo ang unang makita. Mas maraming nag babasa o nag click ng page 1 kaysa page 2 or page 3. Pag wala ka sa page 1, bale wala ang website mo.

Gusto mo bang matuto ng SEO? Base sa experience ko, basta marunong kang mag internet at di ka bored mag research sa mga website sa internet, pede kang maging SEO. Kahit na wala kang alam sa HTML or PHP or wordpress, basta may tiyaga kang matuto. OK lang.

Ito yung mga paraan kung paano mag simula:

1. Do your homework. Mag reseach ka. Mag basa ka ng mga website na about “SEO”, webmasters at link building.

2. Join SEO forums. Dito sa forum, pede kang mag tanong ng lahat tungkol sa SEO. Ang gusto ng mga community sa forum ay matuto ang bawat isa at mapalago and SEO. Pare pareho ang goal nyo na maging successful sa SEO.

3. Join SEO groups. Madaming SEO groups ang makikita mo sa net. Check in sites like Facebook, Twitter, LinkedIn, tumblr etc.

4. Makipagkilala sa mga SEO practioner. Mas maganda if you have a personal friend na makaka chat mo or maka usap mo tungkol sa SEO. Sabi ng isang African proverb., ” If you move alone, you will move fast, but if you move with a group, you will move far.” Mas masarap mag online conference if kilala mo or may personal friend ka na SEO sa group.

5. Mag comment sa mga blog. Pano gagawin yun? Here are the steps
a. Mag search ka sa google for SEO or seo services or seo company or search engine optimization
b. Sa ilalim ng post may makikita ka na comment here. Tapos basahin mo ang mga comment.
c. Mag post ka din ng opinsyon mo at mga kuro kuro. Mas maganda na wag kang mag SPAM or mag lagay ng out of the topic post
d. Balik balikan mo ang blog na yun para makita mo ang reply ng author

6. Gumawa ka ng profile sa maraming website. Isa ito sa mga duties or gawain ng isang SEO. Pano gagawin yun?
a. Mag hanap ka ng mga website na tungkol sa mga hobbies mo. Example, paitings, art, music, IT etc.
b. I click mo ” register ” sa mga website na ito
c. Fill up ka ng form about you. Name, username, password, email etc
d. Press enter tapos i-confirm mo sa website mo para ma process ang account mo.
e. collect more site

7. Mag aral ka kung paano mag blog. Ano ba ang blog? Para ka lang gumagawa ng diary, ang kaibahan lang ay ang blog ay gagawin online at i type online. Example ng blog site ay blogger.com,multiply.com , weebly.comtumblr.com at marami pang iba

8. Mag aral ka din ng konting HTML or website development. Ako, hindi ako programmer. Pero dahil sa mahilig akong mag research sa internet, nakuha ko rin ang use nito sa SEO. Magagamit mo ang html knowledge mo sa pag gawa ng anchor text. Ang anchor text ay yung isang word na pag na click mo, pupunta sa isang site.

Sana may naitulong me sa inyo. Sana may natutunan kayo. Pag may tanong kayo, text nyo ako sa 0917-8472417. I like mo yung FB page ko. Thanks. http://www.facebook.com/pages/SMO-SEO-Consultant/283475605050127?sk=info

SMO SEO consultant

P.S.  Don’t Post this article to your site without the author’s permission.  Call him at +63 9178472417 to book for a seminar or talk.

Please send your comment or suggestions below